Nagpa-action star ang isang driver ng tren ng India matapos mag-isang umandar ang makina ng isang electric train at umabot ng 13 kilometro bago mahabol ito.

Nangyari ang insidente habang pinapalitan ang electric engine ng tren dahil dadaan ito sa riles na hindi de-kuryente.

Nang maalis ang electric na makina, umandar na mag-isa ang tren sa riles.

Hinabol ng driver ang tren habang sakay ng motorsiklo ang umaandar na electric engine.

Sa kabutihang palad, wala namang napabalitang nasaktan sa nangyari.

-- ADVERTISEMENT --

Agad kasing umaksyon ang mga empleyado ng railway system at ina­bisuhan ang mga istasyong dadaanan ng makina para masiguro na walang magiging banggaan sa mga riles.