Inamin ni dating Senator Antonio Trillanes IV na patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan niya sa mga tauhan ng International Criminal Court.

Ayon sa kanya, patuloy siyang nakikipag-usap sa mga ito partikular sa pag-usad ng kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Hague, Netherlands.

Binigyang-diin ni Trillanes na hindi niya ititigil ang pakikipag-ugnayan sa ICC hangga’t hindi nahahatulan si Duterte.

Naniniwala si Trillanes na papabor sa mga biktima ng war on drugs ang magiging hatol ng ICC sa dating pangulo.

Si Duterte ay kasalukuyang nahaharap sa kasong ‘crimes against humanity’ dahil sa implementasyon ng war on drugs noong siya pa ang pangulo ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan din siyang walang mali o ilegal sa kanyang pakikipagtulungan sa mga imbestigador ng ICC.