Huli ang isang drug pusher sa isinagawang anti-illegal drug operation na pinangunan ng Tuguegarao Component City Police Station sa Pattui Street, Barangay Ugac Norte kahapon.

Ayon sa mga awtoridad ang nasabing idibidual na kinilalang si alyas Jeypee, 27-anyos, binata, negosyante at residente ng lungsod ay itinuturing na high-value individual.

Hinuli ang suspek matapos na bentahan ng isang pirasong heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na buyer na mula sa operatiba.

Bukod sa ibinenteng isang sachet, may nakuha pa sa suspek na isang pang sachet na naglalaman din ng pinaniniwalaang shabu, at ang ginamit na buy-bust money.

Nakakulong na sa custodial facility ng PNP Tuguegarao ang suspek matapos ang isinagawang documentation, at pagsasailalim sa kanya sa physical examination sa People’s General Hospital.

-- ADVERTISEMENT --

Inihahanda na ang kaso na isasampa laban sa suspek.