Nangunguna pa rin ang Ateneo de Manila University sa mga unibersidad sa Pilipinas sa 2027 Times Higher Education World University Rankings.

Nasa 1001-1200 bracket ang Ateneo sa buong mundo, na may overall rating na 33.3 hanggang 36.3.

Limang magkakasunod na taon na itong nangunguna sa mga collegiate institution sa bansa.

Kasama rin sa ranking ang University of the Philippines na nasa 1201-1400 bracket, University of Santo Tomas sa 1601-1800, De La Salle University at Mapua University sa 1801-2000, at Mindanao State University-Iligan Institute of Technology sa 2001 pataas.

Samantala, nanguna sa buong mundo ang University of Oxford, kasunod ang Massachusetts Institute of Technology, mula sa 2,297 institusyon sa 118 bansa at teritoryo.

-- ADVERTISEMENT --