
Inihayag ni impeachment court spokesperson Regie Tongol na hindi pa naitatatag ng House prosecution panel ang direktang ugnayan ng ₱612.5 milyong cash withdrawals ng Office of the Vice President at Department of Education sa umano’y confidential funds.
Ayon kay Tongol, batay sa naging testimonya ng dating mga LandBank branch managers na sina Violeta Constantino at Nenita Camposano, wala silang personal na kaalaman na ang mga pondong na-withdraw ay para sa confidential funds.
Aniya, ang kanilang mga pahayag ay nakabatay lamang sa proseso ng pag-withdraw at pag-encash ng mga tseke.
Sinabi rin ni Tongol na inaasahang maghahain pa ang House prosecution ng mga susunod na testigo upang maipakita ang ugnayan ng mga transaksyon sa confidential funds at maipaliwanag ang tamang paghawak sa naturang pondo.










