
Nagkaroon sina Vice President Sara Duterte at kanyang asawang si Manases Carpio ng pinagsamang P39.09 milyong ending balance sa kanilang mga bank account sa walong bangko noong pagtatapos ng 2025, ayon sa mga testigo.
Kabilang sa mga bangkong nagprisinta ng records ang LandBank, AUB, PSBank, Metrobank, Security Bank, BPI, PNB at BDO.
Ayon sa mga testigo, umabot sa P59.02 milyon ang pinagsamang ending balance ng mag-asawa noong 2022 at P71.38 milyon noong 2023, bago bumaba sa P22.24 milyon noong 2024.
Sinabi ng prosekusyon na layunin nitong patunayan na may 30 aktibong bank accounts ang mag-asawa mula 2022 hanggang 2025, na may pinagsamang ending balance na P190 milyon sa pagtatapos ng 2025.
Iniharap ang mga bank records bilang bahagi ng Article 2 ng impeachment case, na tumatalakay sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman at kabiguang ideklara nang tama ang mga ari-arian sa SALN.
Samantala, hiniling ng depensa na ituring munang “alleged” ang mga bank account ng bise presidente hanggang sa maiharap nila ang kanilang mga ebidensya.










