Inatake ang US Embassy sa Baghdad, Iraq ng mga rockets at nsa limang drones ngayong umaga, kung saan inilarawan ito ng Iraqi security forces na ito ang pinakamalakas na pag-atake buhat nang magisimula ang giyera ng US at Israel sa Iran.

Ayon sa ilang saksi, tatlong dones ang dumiretso sa direksyon ng embahada.

Naharang naman ng C-RAM air defense system ang dalawa sa mga ito habang ang isa ay tumama sa loob ng embassy compound, kung saan makikita ang makakapal na usok.

May narinig din na malakas na pagsabog sa kabisera ng Iraq, sa Baghdad.

Gumaganti ang Iran at Iranian militias kung saan tinatarget ang mga interes ng US sa Gulf Region.

-- ADVERTISEMENT --

Nitong Lunes, inihayag ng Iran-aligned group Kataib Hezbollah ang pagkamatay ng kanilang senior commander at spokesperson, at ayon sa Popular Mobilization Forces, walo sa kanilang fighters ang napatay sa airstrikes sa bayan ng Al-Qaim sa Iraq, malapit sa Syria.

Maraming itinalaga na Iraqi security forces sa Baghdad at isinara ang kanilang Green Zone, kung saan matatagpuan ang mga tanggapan ng pamahalaan at diplomatic missions kabilang ang US Embassy.