
Matapos ang ilang palitan ng argumento, naiprisinta rin ng prosekusyon ang bahagi ng video ng online media briefing kung saan binanggit umano ni Vice President Sara Duterte ang planong ipapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Binasa ng testigong si John Mark Calilung sa impeachment court ang pahayag na nasa naturang video at sinabi niyang siya ang nagpatunay sa pagiging tunay ng bahaging ito ng bidyo. Ayon pa kay Calilung, matapos nito ay nagsagawa ang kanyang grupo ng open-source investigation upang tukuyin ang iba pang naunang pahayag ng Bise Presidente na may pagkakatulad sa video na inilabas noong Nobyembre 23, 2024.









