Makararanas na naman ng yellow alert status ang Visayas grid ngayong araw.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mangyayari ito mamayang alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Maraming planta umano ang naka-forced outage, habang may ilan pang mga planta na may derated capacities.

Isa pa sa nakikitang nakaaapekto sa yellow alert declaration ay ang mismong mataas na system demand.

Samantala, inaasahan namang magiging normal ang operasyon ng Luzon at Mindanao grid.

-- ADVERTISEMENT --

Mababatid na sa yellow alert status, ang operating margin ay hindi sapat para matugunan ang contingency requirement ng transmission.