Aminado si Atty Hang Espejo na mahirap patunayan sa korte ang vote buying.

Sa talakayan sa programang Dura Lex Sed Lex, ipinaliwanag ni Espejo na nangangailangan ng matibay na ebidensiya ang vote buying.

Dagdag pa niya na may mga panibagong gimik na ang mga kandidato para makapamili ng boto kung saan nakikisabay na rin ito sa makabagong teknolohiya.

Giit ni Espejo na sa ilalim ng Omnibus Election code, ikinokonsiderang election offense ang vote-buying o vote-selling na may kaukulang parusa.

Gayunman, hinamon ni Espejo ang mga botante na maging matalino sa pagboto sa nalalapit na midterm election.

-- ADVERTISEMENT --