Pinagpapaliwanag ng isang kongresista si Vice President Sara Duterte sa kanyang pahayag na hindi siya dadalo sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod dito, sinabi ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre na kailangan din na ipaliwanag ni Duterte kung ano ang ibig niyang sabihin sa pahayag niya na siya ang “designated survivor”.

Gayonman, nilinaw ni Acidre na karapatan ng sinoman na mamili ng okasyon na dadaluhan subalit bilang paggalang kay Pangulong Marcos at alang-alang sa kanilang naging samahan ay dapat na dumalo si Duterte sa SONA.