
Nagtungo sa Senado si Vice President Sara Duterte ngayong araw ng Martes.
Sinabi ng kaniyang defense spokesperson na si Atty. Michael Poa, na pinulong lamang niya ang kaniyang defense team subalit hindi ito dadalo sa impeachment hearing.
Dagdag pa nito na mayroon kasi itong mga mahalagang pupuntahan at nakipagpulong muna ito sa kaniyang mga abogado.
Nagbigay lamang ito ng bahagyang pahayag kung saan sa ganitong uri ng madugo at pananakit ay magiging duguan ito pero hindi siya susuko.
Magugunitang nagsimula nitong araw ng Lunes ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
-- ADVERTISEMENT --










