Nilinaw ni House lead prosecutor Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na walang dokumentaryong ebidensiya ang inalis sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa kasalukuyang pre-trial proceedings sa Senado.

Ayon kay Luistro, hindi saklaw ng pre-trial conference ang pagdedesisyon kung tatanggapin o hindi ang mga dokumentaryong ebidensiya.

Tatalakayin lamang ito kapag pormal nang nagsimula ang impeachment trial.

Tumanggi rin siyang magbigay ng detalye tungkol sa mga ebidensiya, testigo, at iba pang usaping pinag-uusapan sa pre-trial upang hindi maapektuhan ang kaso.

Inilarawan ni Luistro na masigla ngunit propesyonal ang takbo ng pre-trial conference, kung saan parehong nakatuon ang prosekusyon at depensa sa pagpapatibay ng kani-kanilang panig.

-- ADVERTISEMENT --

Kasalukuyang tinatapos ng magkabilang kampo ang pagmamarka ng mga dokumento bago ilabas ng Senate impeachment court ang pre-trial order. Nakatakdang magsimula ang impeachment trial ni Duterte sa Hulyo 6.