
Walang naiulat na Pilipinong naapektuhan sa magnitude 7.7 na lindol na tumama sa silangang bahagi ng Indonesia nitong Sabado, ayon sa Philippine Embassy sa Jakarta.
Sa isang advisory, sinabi ng embahada na patuloy nitong kinokontak ang iba pang miyembro ng Filipino community sa mga apektadong lugar at nakahandang magbigay ng kinakailangang tulong.
Hindi bababa sa 38 katao ang nasawi at dalawa ang malubhang nasugatan sa lindol.
Nagdulot din ito ng tsunami waves na wala pang isang metro ang taas.
Samantala, patuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na naapektuhan ng lindol, habang ilang kalsada ang hindi madaanan dahil sa landslides at may mga residenteng nananatiling nakulong sa mga gumuhong gusali.
-- ADVERTISEMENT --










