Patay ang isang welder matapos barilin sa mukha ng riding-in-tandem habang nagpapahinga sa harap ng kanyang pinagtatrabahuang welding shop sa Barangay Casigayan, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang biktima na si Andres Ocao Bolingon mula sa Dalupa, Pasil na kasalukuyang naninirahan sa Dagupan West, Tabuk City.

Batay sa imbestigaysun ng mga awtoridad, nagpapahinga ang biktima habang nakaupo sa harap ng welding shop ng biglang huminto ang isang motorsiklo na may dalawang sakay na dalawang lalaki.

Isa sa dalawa ang bumunot ng baril na .45 calibre at binaril ang biktima na tinamaan sa kanyang bibig.

Sa mga larawang ibinahagi ng pamangkin ng biktima, nakita ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na walang plaka na agad tumakas matapos ang pamamaril patungong Quezon street sa Dagupan Centro.

-- ADVERTISEMENT --