Sumiklab ang apoy sa isang karaoke bar sa Hanoi, Vietnam na kumitil sa 11 katao at dalawang iba pa ang nasugatan.

Naniniwala ang mga pulis sa Hanoi na sinadya ang nasabing sunog.

Tinupok ng apoy ang mutil-storey building sa kanluran ng Hanoi.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report ng sunog 11:00 kagabi, kung saan may mga nakulong sa loob ng gusali.

Agad na nagtungo ang rescue workers sa lugar at nagawa na mailabas ang pitong katao na buhay, dalawa sa kanila ang dinala sa ospital, habang 11 ang nakitang patay.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala ang mga awtoridad na sinadya na sinunog ang nasabing gusali at inaresto na nila ang posibleng sangkot sa insidente.

Ayon sa mga testigo, napakalaki ng apoy kaya walang naglakas-loob na iligtas ang mga nakulong sa loob ng gusali.

May mga metal bars ang balkonahe ng nasabing gusali, na lalong nagpahirap para makalabas ang mga nasa loob ng bar.