TUGUEGARAO CITY- Binigyan diin ng Department of Agriculture Region 2 na hindi African Swine Fever ang ikinamatay ng mga biik at inahin sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Sinabi ni Roberto Busania ng DA Region 2 na itinapon ang 13 biik na mula sa inahin.

Ayon sa kanya, nagpasiya ang may-ari ng baboy na katayan na lang ang inahin matapos na mahirapan na manganak.

Sinabi ni Busania na hiningi naman umano ng kaibigan inahin at iniwan sa isang bakanteng lote at nakipag-inuman muna kaya ito nangamoy kaya nadiskubre ng ilang residente sa lugar.

Iginiit ni Busania na wala pang kaso ng ASF sa Region 2 matapos na kumalat ang nasabing larawan ng mga baboy sa social media matapos kunan ito ng larawan ng isang netizen at ipinost sa facebook at sinabi na ito ay dahil sa ASF.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Busaña

Sinabi ni Busania na apat ang quarantine checkpoints sa Region 2, dalawa sa Isabela, sa Qurino at Nueva Vizcaya para matiyak na hindi makakapasok ang mga baboy na posibleng infected ng ASF.