
Inamin ni Atty. Levi Baligod, abugado ng 18 nagpakilalang bodyguard ni dating congressman Zaldy Co na hindi kasama si Senadora Loren Legarda sa listahan ng mga nakatanggap umano ng maletang may lamang pera.
Ayon kay Baligod, nagkaroon sila ng pagrerebyu nitong Marso tungkol dito at walang sapat na ebidensyang nagtuturo kay Legarda.
Kaugnay nito, binabawi nila ang ang naging alegasyong ito.
Handa naman din si Baligod na hayaan si Legarda na magsagawa ng legal action kung nainisin nito.










