Aminado ang Department of Foreign Affairs na limitado ang impormasyong maaaring makuha ng ahensya tungkol sa asylum cases nina dating Cong. Zaldy Co at dating presidential spokesperson Harry Roque dahil sa mahigpit na privacy rules sa Europe.

Ayon kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro, sakop ng naturang patakaran ang France at Austria, kung saan iniulat na naghain ng asylum sina Co at Roque.

Sinabi ni Lazaro na wala ring kumpirmasyon mula sa Philippine Embassy sa Vienna na na-deny ang asylum application ni Roque.

Samantala, hindi na mag-iisyu ng passport ang DFA sa mga taong may arrest warrant.

Kinansela na rin ang passports nina Co at Roque.

-- ADVERTISEMENT --