Huli ang labing walong katao matapos maaktuhang nagsusugal sa bayan ng Enrile, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCapt. Isabelita Gano, tagapagsalita ng PNP Cagayan, sinalakay ng mga otoridad ang bahay ng nagngangalang Erlinda Camba na residente sa Brgy San Jose sa bisa ng search warrant kung saan dito naaktuhang nagsusugal ang mga suspek na edad 49 hanggang 86 anyos.
Sa nasabing operasyon, apat na lamesa ang nadatnan, isa para sa mahjong at tatlo para sa tong its.
Nakumpiska rin ng mga kapulisan ang bet money na nagkakahalaga ng P3, 920, tatlong set ng braha, isang set ng mahjong at labing anim na upuan.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, matagal na umano nilang minamanmanan ang nasabing pasugalan.
Hindi naman na nagawang makatakas ang mga suspek dahil sa nasa likuran ang mga ito ng bahay at wala ng pagkakataon na makatakbo pa ang mga ito.