Nasa 1,800 estudyante sa Calubcob Elementary School sa Naic, Cavite ang kasalukuyang naghahati-hati sa dalawang standard na silid-aralan lamang.
Ayon sa ulat, dalawa lamang ang standard classrooms sa eskwelahan habang anim na pansamantalang silid-aralan ang ginagamit sa mga bakanteng housing units.
Sa isang silid na 30 metro kuwadrado lamang, nagsisiksikan ang 45 hanggang 50 estudyante, kulang sa armchair, at naghahati-hati sa espasyo gamit lamang ang pisara bilang divider.
Nagsasakripisyo rin ang mga guro sa kabila ng kawalan ng sapat na pasilidad tulad ng ICT room at laboratory.
Limitado ang mga physical activity ng mga bata dahil sa kakulangan ng espasyo.
Sa Grade 6, 65 estudyante ang naghihintay pa ng guro para sa MAPE (Music, Arts, and PE).
Ayon sa mga guro, nagsimula na ang konstruksyon ng bagong gusali noong 2023 ngunit wala pang malinaw na petsa kung kailan ito matatapos.
Sinabi ng Department of Education na aabutin pa ng 55 taon bago matugunan ang pangangailangan sa 165,000 silid-aralan sa buong bansa.