Nagpa-abot ng pagbati si 1st Filipina olympic gold medalist Hidilyn Diaz kay Carlos Yulo matapos nitong maipanalo ang gintong medalya sa Paris Olympics 2024.

Sinabi ni Hidilyn nA proud siya sa nakamit ni Yulo at isa itong malaking karangalan para sa bansa.

Pinayuhan naman ni Hidilyn si Yulo at sinabihang i-enjoy nito ang bunga ng kaniyang pinagpaguran.

Maalala na gumawa ng kasaysayan si Yulo matapos nitong maipanalo gold para sa artistic gymnastics men’s floor exercise final.