Ctto

TUGUEGARAO CITY-Walang naisalbang gamit ang may-ari ng dalawang bahay matapos matupok ng apoy ang kanilang ari-arian sa bayan ng Claveria, Cagayan, kagabi.

Ayon kay SFO3 James Duterte ng Bureau of fire protection (BFP)-Claveria, nagsimula ang sunog sa bahay ni Carlina Valencia ng Barangay Cadcadir west at nadamay ang kalapit na bahay na pagmamay-ari naman ng nagngangalang Celso.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog kung saan tumulong din ang BFP-Sta Praxedes sa pag-apula sa sunog.

Bukod sa dalawang bahay ay nadamay din na nasunog ang kotse ni Valencia.

Nabatid na nasa bakasyon ang pamilya ni Manibog kung kaya’t hindi agad naapula ang sunog.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, inaalam na ng BFP-Claveria ang sanhi ng sunog maging ang halaga nito.