Dalawang estudyante ang nahuli ng pulisya sa aktong pagtangay ng nakaw na tricyle sa Tuguegarao City, kaninang umaga.
Kinilala ang mga suspek na sina Terence Jim Tamango, residente sa Ballesteros at Justin Bernard ng Apayao at kapwa 18-anyos at nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa lungsod.
Una rito, napansin ng dalawang pulis ang dalawang kahina-hinalang suspek na itinutulak ang tricyle sa may bahagi ng Mabini St. hanggang Lecaros St.
Wala namang naipakitang dokumento ng motorsiklo ang mga suspek kung saan nasira ang ilang wirings nito na dahilan upang hindi umandar.
Sa follow up investigation, natukoy na pagmamay-ari ni Efren Bosi, 48 anyos ng Bayo, Iguig ang tricyle na ipinahiram niya sa kanyang kaibigan sa Arellano Extension, Barangay Ugac Sur noong Linggo (January 19).
Lunes ng umaga nang ito ay kanyang ipinarada sa harap ng kanyang bahay subalit nawawala na nang kanyang balikan kaninang umaga, Jan 21.
Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Law.