TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree no. 705 o Forestry Reform Code of the Philippines ang dalawang lalaki dahil sa pagpupuslit ng kahoy sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Una rito, naharang ang dalawang suspek na sina Joey Corpuz, 43-anyos at Editor Garcia, 46-anyos na nagpupuslit ng 13 piraso ng common hardwood habang lulan ng kanilang kulong-kulong sa Brgy Tupang.

Nang hingan ng kapulisan ang dalwang suspek ng dokumento ay bigo silang magpakita.

Dahil dito, agad na hinuli ang dalawa na ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan.