
Umakyat na sa 45 ang bilang ng namatay sa pagsadsad ng M/V Trisha Kerstin 3 matapos matagpuan ang dalawang karagdagang bangkay sa katubigan malapit sa Baluk-Baluk Island, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa kasalukuyang search and rescue operations, nananatili sa 316 ang bilang ng nakaligtas.
Ang mga natagpuang katawan ay isasailalim sa proseso ng pagkakakilanlan at wastong disposisyon.
Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang DNA analysis upang matukoy ang mga biktima, at nagsimula na ring magsumite ng DNA sample ang mga pamilya sa Scene of the Crime Operatives (SOCO)










