Tuguegarao City- Muling nadagdagan ng dalawa ang panibagong kaso ng COVID-19 sa region 2 habang isa pa ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi.

Sa huling datos ng Department of Health, umabot na sa 239 ang actual cases ng tinamaan ng sakit sa rehiyon habang tatlo na ang naitalang namatay mula sa sakit.

Kaugnay nito, ang pitong kumpirmadong pasyente ng COVID-19 na naisolate at ginamot sa Cagayan mula Manila ay idinagdag sa datos ng National Capital Region (NCR).

Kabilang sa nagpositibo sa virus sina CV243, 23 anyos na lalaki mula Solana at si CV244 na isang 67 anyos na babae mula Cauayan City at kapwa Locally Stranded Individual mula sa kalakhang Maynila.

-- ADVERTISEMENT --

Nasawi naman nitong July 23 si CV240 na isang 43 anyos na babae mula Ilagan City, LSI galing Manila na nakaranas ng hirap sa paghinga at ayon sa DOH ay may sakit na pancreatic pancer.

Sa ngayon ay nasa 91 na ang active cases ng COVID-19 sa region 2, 10 ang clinically recovered, 142 ang fully recovered at 3 ang bilang ng mga namatay.

Patuloy pa ring ipinaaalala ng DOH ang pagsunod sa mga inilatag na precautionary protocoi upang labanan ang banta ng COVID-19