Nagbitiw sa kanilang puwesto sa Kamara de Representantes ang dalawang party-list lawmakers na sina 1-Tahanan Party-list Representative Nathaniel Oducado at Pinoy Workers Party-list Representative Franz Legazpi.

Sa sesyon ng Kamara nitong Lunes ng gabi, iniutos ni Deputy Speaker Yasser Balindong kay House Secretary General Cheloy Garafil na alisin sa listahan ng mga miyembro ng Kamara ang pangalan nina Oducado at Legazpi matapos ang kanilang pagbibitiw.

Hindi naman agad isinapubliko ang dahilan ng kanilang resignation.

Gayunman, sa social media post ni Oducado, sinabi nitong personal na dahilan ang nagtulak sa kanya upang magbitiw, kabilang na ang kanyang kalusugan at pamilya.

Ayon pa kay Oducado, panahon na rin umano upang bigyang-priyoridad ang kanyang personal na buhay at ipaubaya sa iba ang pagpapatuloy ng adbokasiya ng kanilang party-list.

-- ADVERTISEMENT --

Kapwa sina Oducado at Legazpi ay kabilang sa mga kongresistang bumoto pabor sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.