Nasawi ang dalawang indibidwal habang sampu ang nasugatan matapos magkaroon ng stampede sa isang hotel sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Ayon sa Zamboanga City Medical Center, kapwa senior citizen ang mga namatay.

Naganap ang insidente sa gitna ng umano’y payout para sa mga poll watcher, kung saan dagsa ang mga tao na nagtangkang pumasok sa hotel.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pangyayari na may kaugnayan umano sa grupo ng mga kandidato.

Sa hiwalay na insidente sa Barangay Pasonanca, labing-isa naman ang nawalan ng malay dahil sa pagod at gutom sa isa ring payout.

-- ADVERTISEMENT --

Karamihan sa mga apektado ay matatanda rin.