Nakakulong ngayon sa detention facility ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2 ang isang lalaki na nakuhanan ng 30 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P3.6 million noong araw ng Sabado dito sa lungsod ng Tuguegarao.

Sinabi ni Salvacion dela Cruz, information officer ng PDEA Region 2 na nahuli ang suspect na 48 anyos sa pamamagitan ng buy bust operation kasama ang kapulisan Barangay Balzain.

Ayon kay Dela Cruz, sa pagtatanong sa suspect ay sinabi niya na siya ay tubong Cavite at kinuha umano niya ang marijuana sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon pa umano sa suspect, napag-utusan lamang siya na magdala ng nasabing iligal na droga gamit ang nirentahan na sasakyan.

Sinabi ni Dela Cruz, ikinasa ang operasyon matapos ang dalawang buwan na surveillance sa nasabing suspect.

-- ADVERTISEMENT --