Umaabot sa 36 ang namatay sa pananalasa ng bagyong Carina, habagat, at tropical depression Butchoy.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa nasabing bilang 14 ang nakumpirma habang nagsasagawa pa sila ng validation sa pagkamatay ng 22 iba pa.

Sinabi pa ng NDRRMC, anim ang naiulat na nasugatan, habang tatlong ang missing.

Idinagdag pa ng ahensiya na ang umaabot sa 4.5 million na indibidual o 1.2 families ang naapektohan ng mga nasabing sama ng panahon.