Hindi lang isa, hindi lang dalawa, o tatlo, kundi apat na mga bagyo ang patuloy na binabantayan ngayon sa labas ng PAR.

Ang Tropical Storm #MARIA na nananalasa ngayon sa #NorthernJapan, Ang Tropical Storm #SONTINH na nasa silangan ng #Japan, ang isang Tropical Depression (pre-#AMPIL) na nasa timog ng #Japan at ang isa pang panibagong bagyo o Tropical Depression sa timog-silangan ng #Japan.

Hindi naman inaasahang papasok sa PAR o makakaapekto sa bansa ang mga bagyo.

Samantala, Habagat pa rin ang magdadala ng pag-ulan lalo na sa Ilocos Region, Zambales, Batanes at Babuyan Islands.