TUGUEGARAO CITY-Tataas ang tulong pinansyal na matatanggap ng mga benipisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos itong maging ganap ng batas.

Ayon kay Jeanet Lozano ng DSWD-region 2,sa tulong pang-edukasyon, tatanggap ng P300 ang benipisaryong day care, P500 sa elementarya na dati ay P300 at P750 ang high school mula sa P500.

Aniya,maging sa tulong pangkalusugan ay tataas din ang matatanggap ng mga benipisaryo.

Kaugnay nito, sinabi ni Lozano na kasalukuyan nang pinag-aaralan ng technical working group ang Implementing Rules and Regulation (IRR)ng batas.

Siniguro rin ni Lozano na mapupunta sa mga karapat dapat na benipisaryo ang tulong.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, nanawagan so Lozano sa mga magulang na bantayan at siguraduhing pumapasok ang mga anak sa eskwelahan para hindi masayang ang tulong na natatanggap sa nasabing ahensiya.