Nagpahayag ang 54 na Pilipino sa Israel ng pagnanais na ma-repatriate sa gitna ng kasalukuyang labanan sa Gitnang Silangan, ayon kay Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola.

Sinabi ni Mendiola na may 32 tourists at 22 overseas Filipino workers (OFWs) na nagpahayag ng kanilang pagnanais na makabalik ng bansa.

Ayon sa kanya, ang pinakamalaking hamon ay kung papaano sila ilalabas dahil walang flights papasok o palabas ng Israel.

Ito rin aniya ang problema nila kung papaano maiuuwi ang mga labi ni Mary Ann Velasquez de Vera na namatay matapos na tamaan ng shrapnel.

Namatay si De Vera, 32 anyos na caregiver at tubong Pangasinan nang magsagawa ng missile attack ang Iran sa Tel Aviv noong Pebrero 28.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Department of Foreign Affairs na may 2.5 million Filipinos sa Middle East, karamihan sa kanila ay nasa United Arab Emirates, Saudi Arabia, at Qatar.

Sinabi pa ng DFA na 800 naman na Filipinos ang nasa Iran.