Nasawi ang isang 65-anyos na babaeng fruit vendor matapos salpukin ng dump truck ang kaniyang tindahan sa gilid ng kalsada sa Mabitac, Laguna noong Biyernes ng umaga.
Ayon sa ulat, kitang-kita sa CCTV ang pagtalon ng driver mula sa umaandar na truck na nawalan umano ng preno.
Pagkalapag, agad siyang tumayo at paika-ikang naglakad palayo sa kalsada.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang truck na may kargang graba at bumangga sa tindahan ng biktima at isang bahay.
Dead on the spot ang tindera, habang sugatan ang kaniyang manugang at apo.
-- ADVERTISEMENT --
Tumakas ang driver matapos ang insidente.
Nakikipag-ugnayan naman ngayon ang may-ari ng truck sa mga awtoridad.