TUGUEGARAO CITY-Nahaharap sa kasong panggagahasa ang isang construction worker matapos molestyahin ang isang menor-de-edad sa bayan ng Enrile, Cagayan .
Ayon kay Police Staff Sergeant Paula Caragayan ng PNP-Enrile,inutusan umano ang pitong taong gulang na biktima ng kanyang tatay na bumili ng alak habang sila’y nag-iinuman ng hindi na pinangalanang suspek.
Agad namang pumunta ang biktima sa tindahan na sinundan naman ng suspek .
Aniya, alam umano ng ama ng biktima na sinundan ng suspek ang bata dahil nagpaaalam ito na kanyang susundan at sasamahan ang bata dahil gabi na.
Ngunit habang sila’y pauwi ,bigla umanong hinalikan ng suspek ang mukha ng bata at hinawakan ang maselang bahagi ng katawan nito at pilit na pinapahawak ng suspek ang ari nito sa bata.
Nang sila’y makarating sa lugar kung saan nag-iinuman ang ama,hindi umano agad nagsumbong ang bata hanggang sa mapansin ng ama na hinahawakan ng suspek ang hita ng anak.
Dito na umano nagtanong ang ama sakanyang anak at agad namang umamin ang bata sa ginawa ng suspek na dahilan nang pagkakahuli nito.
Nabatid na dati na umanong nakulong ang suspek noong 2016 dahil sa kaparehong kaso ngunit ito’y nakapagpiyansa at nadismiss matapos hindi itinuloy ng mga biktima ang kaso.