Isinailalim sa operasyon ang 11 year-old na lalaki na nagpasok ng 70 magnetic balls sa kanyang ari
Ayon sa South China Post,matagumpay na naisagawa ng mga duktor sa Zhejiang University’s School of Medicine Affiliated Children’s Hospital ang surgey sa bata para tanggalin ang 70 metallic spheres sa kanyang ari
Dinala sa pagamutan ang bata matapos siyang magreklamo ng pananakit tiyan bago ang isinagawang X-ray sa kanyang bladder kung saan dito nakita ang mga nasabing bagay
Nang tanungin ng mga duktor ang bata,inamin niya na inilagay niya ang mga magnetic ball sa kanyang ari dahil sa curiosity
Sumunod dito ang dalawang oras na surgery para tanggalin ang 70 foreign objects sa kanyang bladder
Sinabi ng mga duktor, na nahirapan sila sa surgery dahil sa magkakadikit ang mga nasabing magnetic ball at hindi maaaring isahan ang pagtanggal sa mga ito
Sinabi ni Dr. Tao Chang, surgeon sa nasabing ospital na hindi na bago sa kanya ang ganitong kaso dahil sa isang taon ay tatlo ang kanyang isinasailalim sa surgery
Aniya ang kanyang mga pasyente ay edad 10 hanggang 15
Sinabi niya na ang madalas na nakikita sa ari ng kanyang mga pasyante ay eletric wires, karayom,at may isa na naglagay ng eight-centimeter-long ear pick
Matatandaan na sa Henan province noong July 2018, tinanggal ng mga duktor ang 40-centimeter long headphone wire sa ari ng 18-year-old
Sinabi ng lalaki na isang taon nang ilagay niya ang nasabing bagay sa kanyang ari subalit nahiya lamang siya ipatanggal ito agad sa kabila ng naramdamang niyang sakit