
Iginiit ni Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez na igagalang niya ang utos ng Sandiganbayan na ilipat siya sa Quezon City Jail, habang nananatili ang kanyang pahayag na wala siyang kasalanan.
Ayon kay Romualdez, haharapin niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya at sasagutin ang mga alegasyon sa tamang korte.
Nagpasalamat din siya sa Cardinal Santos Medical Center at Philippine General Hospital at sinabing patuloy niyang susundin ang payo ng kanyang mga doktor.
Si Romualdez ay nahaharap sa ₱7.4-bilyong plunder case na inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects mula 2022 hanggang 2025. Kasama rin sa kaso sina dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at iba pang personalidad.








