
Ipinagkaloob ng SiGMA Foundation ang 3,500 wheelchair sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR para sa mga residenteng may mobility needs na naapektuhan ng habagat.
Isinagawa ang ceremonial turnover ngayong Miyerkules, Setyembre 16, sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City.
Pinangunahan ni SiGMA Asia Managing Director Neil Shih ang turnover, habang pormal namang tinanggap ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang mga mobility aid.
Gagamitin ang mga wheelchair sa relief goods distribution program ng PAGCOR para matulungan ang mga residente sa mga bayan at lalawigang sinalanta ng habagat.
Bahagi ito ng humanitarian efforts ng SiGMA Foundation na naglalayong magbigay ng direktang tulong sa mga komunidad at palakasin ang mga programang may social impact sa bansa.










