Muntik nang masungkit ni Filipina weightlifter Rosegie Ramos ang medalya matapos magtapos sa ikaapat na puwesto sa women’s 53-kilogram division ng 2026 Asian Games sa Japan.

Nagtala ang 22-anyos na si Ramos ng kabuuang 203 kilograms, mula sa 93 kilograms sa snatch at 110 kilograms sa clean and jerk.

Naungusan siya ng mga weightlifter mula North Korea, China at Thailand.

Nasungkit ni Hyon Gyong Kang ng North Korea ang gold matapos mag-total ng 223 kilograms, habang silver si Jinlan Zhao ng China at bronze si Surodchana Khambao ng Thailand.

Gayunman, pag-angat ito sa puwesto ni Ramos kumpara sa nakaraang Asian Games, kung saan nagtapos siya sa ika-limang puwesto sa 49-kilogram division.

-- ADVERTISEMENT --