Nakasiguro ang Pilipinas ng dalawang medalya sa sepak takraw sa 2026 Asian Games matapos makakuha ng bronze ang men’s team at umabante sa finals ang women’s team.

Nakuha ng women’s double team ang siguradong silver medal matapos walisin ang Laos, 15-12, 15-10, sa semifinals. Makakaharap ng Pilipinas ang Vietnam sa gold-medal match ngayong Martes, alas-8 ng umaga.

Pinangunahan nina Jean Marie Sucalit, Abegail Sinogbuhan at substitute Nelly Jay Salon ang panalo ng Filipinas.

Samantala, bronze medal ang nasungkit ng Philippine men’s regu team matapos matalo sa Malaysia, 15-10, 11-15, 7-15, sa semifinals.

Dahil sa dalawang dagdag na medalya, umakyat sa 14 ang kabuuang medal tally ng Pilipinas—dalawang gold, dalawang silver at 10 bronze.

-- ADVERTISEMENT --