Naibigay na ni dating senador Antonio Trillanes IV sa House prosecution ang mga dokumento at impormasyong nakalap niya na maaaring gamitin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Trillanes, nais niyang bigyan ng konteksto ang mga dokumento upang makatulong sa prosecution sa pagtatanong sa kanilang mga testigo.

Sinabi niyang hindi man siya humarap bilang testigo, maaari pa ring gamitin ng prosecution ang kaniyang mga ibinahaging impormasyon para sa kanilang presentasyon.

Iginiit din ng dating senador na personal niyang isinagawa ang matagal na imbestigasyon na naging batayan ng ilan sa kaniyang mga inilahad na impormasyon sa taumbayan.