
Hinamon ng mga mangingisda mula Zambales at Bataan si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang umano’y pananahimik nito sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea, kasunod ng ulat na tumanggap ng pondo mula China ang kumpanyang konektado sa kaniya at sa asawang si Atty. Mans Carpio.
Ayon kay Leonardo “Ka Nards” Cuaresma, pangulo ng New Masinloc Fishermen Association, patuloy na nakararanas ng pananakot at pangha-harass ang mga mangingisdang Pilipino, habang naaapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa mga barko ng China.
Sa impeachment trial, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council na nakatanggap umano ang Cale88 Foods Corporation ng humigit-kumulang ₱319 milyon mula China at Hong Kong.
Hiniling ng mga mangingisda kina Duterte at Carpio na ipaliwanag ang pinagmulan at layunin ng mga transaksiyon.









