
Iniutos ng Sandiganbayan Third Division ang 90-araw na preventive suspension kay Senador Rodante Marcoleta kaugnay ng kinakaharap niyang kasong plunder.
Sa resolusyong inilabas nitong Oktubre 19, nakasaad na magsisimula ang suspensiyon sa oras na matanggap ni Marcoleta ang kopya ng resolusyon at awtomatikong matatapos matapos ang 90 araw.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y P75 milyong ill-gotten wealth na hindi idineklara sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Marcoleta noong kinatawan pa siya ng SAGIP Party-list.
Ayon sa mga alegasyon, natanggap umano niya ang naturang halaga mula sa dating kongresistang si Mike Defensor at negosyanteng si Aristotle Viray.
Nilinaw naman ng korte na hindi maaapektuhan ng suspensiyon ang mga tungkulin ng Senado bilang isang collegial body.










