Muling makikipagpulong sa mga peregrino si Pope Leo sa Vatican ngayong Miyerkules, Oktubre 21, sa unang pagkakataon matapos sumailalim sa operasyon para alisin ang bahagi ng kaniyang kanang baga dahil sa kanser.

Ayon sa Vatican, isasagawa ang general audience, isang regular na pagtitipon ng Santo Papa kasama ang mga mananampalataya na karaniwang ginaganap tuwing Miyerkules.

Sumailalim sa operasyon ang 71-anyos na Papa noong Oktubre 13 upang alisin ang ibabang bahagi ng kaniyang kanang baga. Ayon sa kaniyang mga doktor, matagumpay ang operasyon at walang naging komplikasyon.

Noong Linggo, sa kaniyang unang pampublikong pagharap matapos ang operasyon, sinabi ni Pope Leo na unti-unti niyang ibabalik sa normal ang kaniyang mga gawain bilang pinuno ng tinatayang 1.4 bilyong Katoliko sa buong mundo.

Gayunman, wala pang inilalabas na kumpletong iskedyul ang Vatican para sa Santo Papa lampas sa Miyerkules. Hindi rin tiyak kung matutuloy ang nakatakda niyang pagbisita sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17, habang patuloy ang kaniyang paggaling.

-- ADVERTISEMENT --