Pormal nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Champi ganap na 10:40 ngayong umaga at binigyan ng lokal na pangalang “Rosal.”

Huling natukoy ang eye ng bagyo sa layong 1,385 kilometro sa silangan ng Central Luzon habang kumikilos ito West Northwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 185 kilometro kada oras malapit sa sentro at may gustiness na umaabot sa 230 kilometro kada oras.

Dahil sa pagpasok ng bagyo, nakataas na ang Wind Signal No. 1 sa Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Didicas Is.), silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Gattaran, Baggao, Peñablanca), ang hilagang-silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, San Pablo, Cabagan, Santa Maria, Tumauini, Ilagan City), at ang hilagang-silangang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).

Pinapaalalahanan ang mga residente at lokal na pamahalaan sa mga naturang lugar na maging alerto at patuloy na subaybayan ang mga lalabas na weather bulletin para sa kaligtasan ng lahat.

-- ADVERTISEMENT --