Napanatili ng Super Typhoon Rosal ang taglay nitong lakas habang patuloy na kumikilos pakanluran hilagang-kanluran o West Northwestward sa karagatan sa silangan ng Hilagang Luzon.

Batay sa lahat ng available data, huling natukoy ang sentro o mata ng bagyo sa layong 845 kilometro silangan ng Hilagang Luzon.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 km/h habang taglay ang maximum sustained winds na 215 km/h malapit sa sentro at gustiness na umaabot sa 265 km/h.

Dahil sa banta ng bagyo, opisyal nang isinailalim sa Signal No. 2 ang lalawigan ng Batanes.

Samantala, nakataas naman ang Signal No. 1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Cabagan, Delfin Albano, Santo Tomas, Tumauini, San Pablo, Ilagan City, San Mariano, Dinapigue), Ilocos Norte, Apayao, at ang hilagang-silangang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto).

-- ADVERTISEMENT --