Bumwelta si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Jay Tarriela kay dating National Security Adviser Clarita Carlos matapos siyang tawaging “troublemaker.”

Ayon kay Tarriela, mas matindi pa umano ang galit ni Carlos sa kaniya kaysa sa China.

Sinabi rin ni Tarriela na kinailangan pa niyang ipaalala kay Carlos ang tungkulin nito bilang dating chairman ng National Task Force for the West Philippine Sea nang tanungin niya ito tungkol sa pagpapadala ng mga puwersa ng Pilipinas bilang tugon sa presensya ng China sa WPS.

Dagdag pa ni Tarriela, nagsimula lamang ang transparency initiative ng Pilipinas sa West Philippine Sea matapos mapalitan si Carlos at maupo bilang National Security Adviser si dating Armed Forces of the Philippines chief General Eduardo Año.

Biro pa ng PCG spokesperson, maaaring kailangan lamang ni Carlos ng suporta sa gitna ng mataas na presyo ng diesel, kasabay ng paghingi niya ng paumanhin dahil hindi na umano siya nakapagbibigay ng gas slips sa dating opisyal.

-- ADVERTISEMENT --