
Nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) sa posibilidad ng ashfall matapos magbuga ng abo ang Bulkang Mayon sa Albay bandang alas-5:19 ng hapon nitong Linggo, Oktubre 25.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot sa 300 metro sa ibabaw ng bunganga ng bulkan ang ibinugang abo bago tinangay pahilagang-silangan.
Nananatili naman sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon, habang mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone.










