Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Dean of the College of Cardinals, ang Solemn Jubilee Mass sa Saint Gregory the Great Cathedral sa Legazpi City, Albay ngayong Oktubre 28, bilang bahagi ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diocese of Legazpi.

Dumalo sa misa sina Cardinal Orlando Quevedo, 14 na obispo, isang nuncio emeritus, isang apostolic administrator at tinatayang 250 pari.

Kasabay ng pagdiriwang ang pontifical coronation ng imahen ng Nuestra Señora de Salvación, patrona ng Diocese of Legazpi at kinikilalang Reyna ng Langit ng Albay, kasama ang imahen ng Infant Jesus.

Mahigit 6,000 deboto ang dumalo sa naturang misa bilang bahagi ng Diamond Jubilee celebration ng diyosesis.